Nag-ober da bakod sa TNT si veteran free agent Gabriel ‘Gab’ Banal ilang linggo bago ang pagsisimula ng 46th Philippine Basketball Association 2021-22 Governors Cup.

Sa ulat ng Spin.ph Linggo, kinumpirma ng Tropang Giga management ang pagsungkit sa 31-anyos, 6-3 ang taas na forward.

Huling lumaro sa Alaska Aces ng isang conference ang player. Inayawan niya ang contract extension ng team.

Pumoste si Banal ng average na 8.7 points, 3.5 rebounds, at 1.7 assists per game sa natapos nitong Oktubre na 2021 PH Cup. (Abante TONITE Sports)

The post Banal umanib sa Tropang Giga first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/banal-umanib-sa-tropang-giga/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=banal-umanib-sa-tropang-giga)