Isang baril ang hindi sinasadyang pumutok sa Atlanta airport nitong Sabado, isang araw bago ang Thanksgiving holiday.

Nagtakbuhan at nagtago naman sa takot ang ilang pasahero. Pinahinto rin pansamantala ang operasyon ng airport.

Wala namang naiulat na nasaktan sa nasabing insidente.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung sino ang may-ari ng baril at paano ito aksidenteng pumutok.

Isang batas ng Georgia na ipinasa noong 2014 ang nagpapahintulot sa mga tao na magdala ng mga permitted gun sa mga pampublikong lugar kagaya ng paliparan, bar, paaralan at simbahan. Ngunit sa ilalim ng federal law, labag ang pagdadala ng baril sa Transportation Security Administration screening area. (Sherrylou Nemis)
Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto

The post Baril aksidenteng pumutok sa airport first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/baril-aksidenteng-pumutok-sa-airport/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=baril-aksidenteng-pumutok-sa-airport)