Sa pagdiriwang ng International Day for the Elimination of Violence against Women, nanawagan ang Commission on Human Rights (CHR) sa epektibong pagpapatupad ng Republic Act No. 11313 Safe Spaces o “Bawal Bastos” Act, partikular na sa mga pampublikong transportasyon.

Inilunsad ng CHR ang “Safe Spaces Now: Right the Ride Campaign” bilang bahagi ng hangarin nito na wakasan ang karahasan laban sa kababaihan.

Kasama ang National Confederation of Transport Unions at ang Mandaluyong Alliance Transport Service Cooperative na humikayat sa mga jeepney driver na alisin ang mga sexist at misogynistic na signboard sa kanilang minamaneho.

Binigyang-diin ni CHR Commissioner Karen Gomez-Dumpit, matagal na at marami ng jeepney ang may mga sexist at misogynistic na mensahe sa kani-kanilang karatula.

Ang Safe Spaces o “Bawal Bastos” Act, ay nilagdaan noong April 17, 2019, nilalayon nito na protektahan ang mamamayan sa ano mang uri ng gender-based sexual harassment sa mga lugar kagaya ng lansangan, pampubliko at pribadong lugar, online, at sa pampublikong transportasyon. (Sherrylou
Nemis)
““`ZW3212WQJulia Barretto naghubad sa Mexico?

The post Bastos na karatula sa mga jeep babaklasin – CHR first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bastos-na-karatula-sa-mga-jeep-babaklasin-chr/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bastos-na-karatula-sa-mga-jeep-babaklasin-chr)