Binawasan ng Commission on Elections (Comelec) ang honoraria na nauna nilang inaprubahan para sa mga teaching at non-teaching personnel na magsisilbi sa Halalan 2022.

Batay sa Comelec Resolution No. 10727, makakatanggap ang Chairperson of Electoral Board (CEB) ng P7,000; P6,000 sa mga miyembro ng EB; P5,000 sa DepEd Supervisor Official (DESO); at tig-P3,000 sa Support Staff at Medical Personnel.

Mababa ito ng P2,000 kumpara sa bayad na inaprub ng poll body noong June: CEB (P9,000); mga miyembro ng EB (P8,000); DESO (P7,000) at Support Staff (P5,000).

Ayon sa Comelec, epekto ito ng pagbawas ng Department of Budget and Management sa panukala nilang P41.992 bilyong budget.

Sa kabila nito, kabilang aniya sa probisyon ng bagong resolusyon nila ang travel allowance na P2,000 para sa chairperson at mga miyembro ng EB.

The post Bayad sa mga election worker kinaltasan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bayad-sa-mga-election-worker-kinaltasan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bayad-sa-mga-election-worker-kinaltasan)