Pinayagan na ng Department of Health (DOH) ang mga bakunadong healthcare worker na magpaturok ng booster shot simula Nobyembre 17, Miyerkoles.

Ayon sa DOH, naglabas na ng emergency use authorization ang Food and Drug Administration kung saan maaaring gamiting booster shot ang Moderna, Pfizer at Sinovac kahit anong brand pa ang ginamit sa unang dalawang dose.

Ngayong Martes naman inaasahang ilalabas ang kabuuan ng guidelines sa pagtuturok ng booster shot.

Ang pagtuturok ng booster shot ay inilutang kaugnay ng mga napabalitang kaso ng breakthrough cases.

Bukod sa healthcare workers, itinutulak ding mabigyan ng booster shot ang mga matatanda at mga immunocompromised na indibidwal. (mjd)

The post Booster shot ng health workers aprub sa DOH first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/booster-shot-ng-health-workers-aprub-sa-doh/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=booster-shot-ng-health-workers-aprub-sa-doh)