Tangka ng pamahalaan na simulan sa susunod na linggo ang pagtuturok ng booster shot sa mga bakunadong senior citizen at person with comorbidity, ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr.

“We are expecting also that our seniors and people with comorbidities, tignan natin baka next week, baka magsimula na rin tayo,” wika ni Galvez ngayong Martes.

“We are coordinating with NVOC (National Vaccine Operations Center), na isabay-sabay na natin para at least tumaas ang ating vaccination to 1.5 million,” dagdag pa niya.

Nitong Lunes ay inanunsyo rin ng Department of Health na maaari nang simulan sa Miyerkoles ang pagbabakuna ng booster shot sa mga health care workers.

Ang mga brand na Modera, Pfizer at Sinovac ang aprubadong iturok bilang booster shot. (mjd)

The post Booster shot ng tanders, may comorbidity tangka sa susunod na linggo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/booster-shot-ng-tanders-may-comorbidity-tangka-sa-susunod-na-linggo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=booster-shot-ng-tanders-may-comorbidity-tangka-sa-susunod-na-linggo)