Aabot sa 38 bahay ang nasira matapos manalasa ang isang buhawi sa Matalam, Cotabato, ayon sa ulat ngayong Martes.

Sa Barangay Poblacion sa naturang bayan ay 12 bahay ang napinsala habang 26 naman sa Barangay Manubuan, batay sa tala ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.

Bukod sa kabahayan, nawasak din ang ilang tanim na rubber tree, punong mangga at taniman ng saging.

Sa kabuuan, tinatayang aabot sa higit P1 milyon ang halaga ng pinsala.

Agad namang nagpaabot ng tulong ang lokal na pamahalaan sa mga apektadong residente. (mjd)

The post Buhawi winasak 38 bahay sa Cotabato first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/buhawi-winasak-38-bahay-sa-cotabato/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=buhawi-winasak-38-bahay-sa-cotabato)