Nanawagan si dating House Speaker at incumbent Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano sa mga botante na piliing mabuti ang kanilang iboboto sa nalalapit na halalan.

Sinabi ni Cayetano na dapat isaisip ng mga botante ang biblical principle na “Kung ano’ng ating itatanim, ‘yan din ang ating aanihin” sa pagpili ng kanilang iboboto sa 2022 elections.

Makatutulong umano ang regular na face-to-face at one-on-one debate para mas makilala ng mga botante ang mga kandidato.

“Wag muna tayong humusga [at] ‘wag nating buuin na ayaw natin sa isang tao o gustong gusto natin sa isang tao, kasi sa katotohanan, I think wala pang five percent ng plataporma at pagkatao ng kandidato [ang] lumalabas,” sabi ni Cayetano.

Si Cayetano ay tumatakbong independent sa nalalapit na halalan. Siya ay nangako na dadalhin sa Senado ang faith-based at values-oriented na liderato at lalabanan ang online gambling gaya ng e-sabong at isusulong ang 10k Ayuda economic stimulus. (Billy Begas)

The post Cayetano sa mga botante: ‘Kung ano’ng ating itatanim, ‘yan din ang ating aanihin’ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/cayetano-sa-mga-botante-kung-anong-ating-itatanim-yan-din-ang-ating-aanihin/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=cayetano-sa-mga-botante-kung-anong-ating-itatanim-yan-din-ang-ating-aanihin)