Nananatiling matatag ang pwesto ni Sorsogon Gov. Chiz Escudero sa kandidato sa pagka-senador kung saan 51 porsyento ng mga respondente ang nagsabing iboboto siya sa May 2022 national elections, batay sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) noong Oktubre 20-23.

Sa latest nationwide SWS survey, na kinomisyon ng Stratbase ADR Institute for Strategic and International Studies (ADRi), makikitang si Escudero ang No. 2 pick sa 30 senatoriables sa likod ng nangungunang brodkaster na si Raffy Tulfo.

Bago ito, sinabi ng Publicus Asia na nanguna si Escudero sa Third Quarter PAHAYAG survey, na may 60 porsyento ng mga respondente ang nagsasabing iboboto siyang muli sa pagka-senador sa susunod na halalan.

Si Escudero, na nagsilbi sa Senado sa dalawang magkasunod na termino mula 2007-2019 ay tatakbo sa May national elections sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition (NPC).

Ang kandidatura ng beteranong mambabatas ay suportado at inendorso ng tandem nina Senador Panfilo Lacson at Senate President Vicente “Tito” Sotto, ng tambalan nina Senador Manny Pacquiao at BUHAY Party List Rep. Lito Atienza, at nina Vice President Leni Robredo at running mate nitong si Senador Francis “Kiko” Pangilinan. (Dindo Matining)

The post Chiz kapit sa no. 2 sa SWS senatorial survey first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/chiz-kapit-sa-no-2-sa-sws-senatorial-survey/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=chiz-kapit-sa-no-2-sa-sws-senatorial-survey)