Hinid pa nakakalabas ng bansa si dating Budget Undersecretary Lloyd Christopher Lao, ayon sa pinuno ng Senate security team.

Sabi ni Senate Sergeant-AT-Arms Rene Samonite, patuloy ang kanilang paghahanap kay Lao, ang dating chief ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM).

“Nandito pa naman sya sa bansa. We will exert efforts for his arrest,” pahayag ni Samonite sa kanyang text message sa mga reporter.

“From all indications, we believe he is still in the country,” dagdag pa nito.

Nagpadala ang OSAA ng arresting team sa tirahan ni Lao sa Cebu at Davao subalit nabigong silang makita ang dating opisyal.

Si Lao ay na-cite for contempt ng Senate blue ribbon committee at pinag-utos na arestuhin dahil sa pagtanggi nitong dumalo sa pagdinig tungkol sa diumano’y anomalya sa pagbili ng gobyerno sa pandemic response supply. (DIndo Matining)

The post Christopher Lao nasa Pilipinas pa first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/christopher-lao-nasa-pilipinas-pa/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=christopher-lao-nasa-pilipinas-pa)