Iminungkahi ni presidential adviser for entrepreneurship Joey Concepcion na payagan ang mga pribadong sektor na magturok ng booster shot sa kanilang mga empleyado na kukunin naman nila mula sa binili nilang bakuna.

Ayon kay Concepcion, hiniling niya ang panukala sa gobyerno dahil ang biniling bakuna ng mga pribadong kompanya ay AstraZeneca at Moderna, na aprub umanong gamitin bilang booster shot.

“For the private sector, since we have those vaccines already in our storages, I ask them to please allow us to already implement it with our employees, especially those who have taken Sinovac much earlier,” pahayag ni Concepcion sa panayam ng ANC.

Naging bukas naman umano sa naturang ideya sina Health Secretary Francisco Duque at vaccine czar Carlito Galvez Jr.

“The whole objective is to speed up the inoculation of the entire population. Open up the vaccination for all, grant fast lanes for those that are in the priority sector,” aniya.

Sinimulan noong Nobyembre 17 ang pagtuturok ng booster shot sa mga nasa A1 category habang ngayong Lunes naman lalarga ang pagbabakuna sa A2 at A3. (MJD)

The post Concepcion: Pribadong kompanya payagang magturok booster shot first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/concepcion-pribadong-kompanya-payagang-magturok-booster-shot/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=concepcion-pribadong-kompanya-payagang-magturok-booster-shot)