Ang dating National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-Elcac) spokesperson Lt. Gen. Antonio Parlade, ay naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) para sa pagkapangulo nitong Lunes, Nobyembre 15.

Si Parlade ay tumatakbong presidente sa ilalim ng Partido ng Demokratikong Pilipino.

Siya ang papalit kay Antiono Valdez mula sa Katipunan ng Demokratikong Pilipino (KDP) para sa 2022 presidential race.

Noong Sabado, Nobyembre 13, nag-withdraw ng kandidatura si Valdez sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Maynila, at ipinahiwatig na si Parlade ang kanyang kapalit.

Si Parlade ay dating Philippine Military General na nagretiro bilang commander ng Armed Forces of the Philippines Southern Luzon Command noong 2021, at kilala sa kanyang termino bilang tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict. (Sherrylou Nemis)

The post Dating NTF-Elcac spox Parlade tatakbong presidente first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dating-ntf-elcac-spox-parlade-tatakbong-presidente/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dating-ntf-elcac-spox-parlade-tatakbong-presidente)