Niyanig ng lindol na may sukat na magnitude 4.8 ang Davao Oriental bandang alas-6:42 ng umaga nitong Nobyembre 21.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ito ay may epicenter na 47 kilometro mula timog-silangan ng Tarragona, Davao Oriental, na may lalim na 69 km.

Sinabi ng Phivolcs na naramdaman ito bilang isang mahina na pagyanig at Intensity III sa munisipalidad ng Tarragona.

Samantala, naramdaman ito sa Intensity II sa Digos City, Davao del Sur, habang nasa Intensity I sa Governor Generoso, Davao Oriental.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol.

Gayunman, sinabi rin ng Phivolcs na walang inaasahan na aftershocks at pinsala sa lindol na ito. (Sherrylou Nemis)
““`ZW3212WQJulia Barretto naghubad sa Mexico?

The post Davao Oriental tinamaan ng Magnitude 4.8 na lindol first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/davao-oriental-tinamaan-ng-magnitude-4-8-na-lindol/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=davao-oriental-tinamaan-ng-magnitude-4-8-na-lindol)