Nais gamitin ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor ang kanyang karanasan bilang secretary ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) para magbigyan ng tahanan ang mga informal settlers sa Quezon City.
Ayon kay Defensor, may humigit-kumulang 250,000 pamilya ang nagtayo ng mga bahay sa mga lupaing hindi sa kanila at humigit-kumulang 50,000 pamilya naman ang nagtayo ng kanilang mga bahay sa mga lupain na may pahintulot ng may-ari.
Sinabi ni Defensor na sa kanyang termino sa HUDCC, ang pamahalaan ay naglalaan ng P500 milyon para sa community mortgage program ng bansa.
“Yung community mortgage program ang basic trust niya kung ikaw ang may ari ng lupa babayaran to ng gobyerno, tapos yung mga tao dahan-dahan naman magbabayad sa gobyerno,” saad nito.
Dagdag din niya na ang Quezon City government ay maaaring maglaan ng P1 bilyon taun-taon para mabawasan ang bilang ng mga informal settlers.
“Kayang-kaya namin to kahit P1 billion a year….para yung mga informal settler naman magkaroon din ng dignidad at magkaroon ng sariling tirahan,” ani Defensor. (Sherrylou Nemis)
The post Defensor gagamitin karanasan para sa pabahay sa QC first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/defensor-gagamitin-karanasan-para-sa-pabahay-sa-qc/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=defensor-gagamitin-karanasan-para-sa-pabahay-sa-qc)
0 Mga Komento