Isang karangalan para kay AnaKalusugan Party-list Rep. Mike Defensor ang maimbitahan sa flag-raising ceremony ng Barangay Commonwealth, na siyang pinakamalaking barangay sa Quezon City.

Ani Defensor, ito ang unang pagkakataon na naimbitahan siya sa isang flag-raising ceremony sa isang barangay sa QC.

“Alam nyo ang katotohanan (Barangay) Kapitan Maning, Manuel Co, ito po ang kauna-unahang imbitasyon ko sa isang barangay flag ceremony na ginanap dito sa Quezon City at ito po’y isang honor at pribilehiyo na tanggapin ang inyong imbitasyon,” saad ni Defensor.

Sa kanyang pagdalo sa naturang seremonya, pinuri rin ng mayoralty candidate ang pamamahala sa Commonwealth sa pangunguna ng kanilang kapitan na si Manuel Co.

“Ito ang kalidad at galing na kailangan natin para sa ating lungsod,… ang katulad ng inyong Kapitan Maning Co,” ani Defensor. “Sabi nga ni kapitan sakin kung hindi lang ako nang-aaway sa city hall baka nanalo kami ng award.”

Sa panunungkulan ni Co, napababa ang crime rate sa lugar ng 90%, may 1,000 iskolar ang barangay sa high school at kolehiyo, at nailarga na rin ang pagbabakuna sa mga edad 12-17.

Tatakbong alkalde si Defensor sa Quezon City at sakaling makuha niya ang puso ng mga taga-Commonwealth ay malaki ang magiging bentahe niya sapagkat narito ang mahigit 127,000 na mga botante. (mjd)

““`ZW3212WQJulia Barretto naghubad sa Mexico?

The post Defensor hanga sa pamamalakad sa Commonwealth, QC first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/defensor-hanga-sa-pamamalakad-sa-commonwealth-qc/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=defensor-hanga-sa-pamamalakad-sa-commonwealth-qc)