Pumanaw na ang batikang direktor sa telebisyon na si Bert de Leon, ayon sa kanyang pamilya.

Ang kanyang pamangkin na si Jonna de Leon ang nagbahagi ng balita sa social media ngayong Linggo.

“Mahal na mahal kita tito.. mahal na mahal ka namin dito.. Ang sakit sobra napakalungkot ng paglisan mo pero makakapag pahinga ka na,” saad sa caption. “I’m so sorry that you’ve been through a lot of pain bago ka umalis.. You’ve had a great fight Tito.”

“Thank you for all the love and care you’ve given to my family mostly sa aming Ina.. Never mo kami pinabayaan and I’m so sorry na wala kami sa tabi mo to help you but we prayed a lot for your healing tito,” dugtong pa nito.

HIndi naman nakasaad sa post ang ikinamatay ni de Leon.

Bumuhos din ang pakikiramay kay Bert mula sa ilang personalidad sa showbiz.

Si Bert ay sumalang bilang direktor ng ‘Pepito Manaloto,’ ‘Eat Bulaga,’ at ‘Bubble Gang.’

The post Direk Bert de Leon pumanaw na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/direk-bert-de-leon-pumanaw-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=direk-bert-de-leon-pumanaw-na)