Maging ang mga kabataan ay alam na alam ang trademark na disiplina ni Partido Reporma chairman at standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson na sinimulan niya mula pa sa kanyang pagseserbisyo sa pulisya bilang hepe ng Philippine National Police.

Sa ginanap na “Online Kumustahan” ni Lacson kasama ng kanyang running mate na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa San Fernando, Pampanga nitong Linggo para sa kanilang mga millennial supporter, isa sa mga kabataang nasa event ang nagkuwento kung paano tumatak sa kanya ang disiplina ng batikang mambabatas.

“Ultimo ‘yung father ko, ‘yung father ko kasi nakakulong kasi ‘yung father ko. That time daw sobrang linis daw nila sa loob talaga, ‘yung mga pulis na malalaki tyan bongga sobrang wala, ang liliit daw noon!” pagbabahagi ni Melvin na host ng event.

“Lahat talaga ng taxi driver sa amin ang bet talaga nila si Ping Lacson talaga,” sabi pa ni Melvin.

Sabi pa ni Budang na isa rin sa host, “Tsaka maganda talaga as in marami talaga siyang napatunayan na,” sabi pa ng isa sa host.

Tanda nila ang mga nagawa ni Lacson sa pagdisiplina sa kapulisan kaya naman tiwala sila na magagawa niya rin ito sa buong bansa.

“Ako kahit saan talaga magpunta Ping Lacson ako, suot-suot ko ‘yan kahit saan ako magpunta,” sabi pa ni Budang.

Ang nasabing event ay imbitasyon ng mga grupo ng kabataan, vlogger at dancer para ipakita ang suporta sa Lacson-Sotto tandem at kanilang mga senatorial candidate na sina Dr. Minguita Padilla, Monsour del Rosario, at dating Philippine National Police Chief Gen. Guillermo Eleazar.

Nagsagawa ng flash mob ang iba’t ibang mga dance group para salubungin ang Partido Reporma chairman at mga kaalyado nito sa LausGroup Event Centre. At para naman suportahan ang aktibidad ng mga kabataan sa Philippine Dance Competition 2021, dinoble ng Lacson-Sotto tandem ang papremyo sa contest.

Umabot sa P100,000 ang grand prize, habang ang iba pang papremyo ay dinoble rin ng Partido Reporma chairman at ni Sotto. P80,000 ang matatanggap ng second place, P60,000 para sa third place, P40,000 naman sa fourth place at tig-P10,000 ang grupo na makakatanggap ng consolation prize para sa kompetisyon.

The post Disiplina ni Lacson tumatak sa kabataan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/disiplina-ni-lacson-tumatak-sa-kabataan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=disiplina-ni-lacson-tumatak-sa-kabataan)