Nananatiling miyembro ng gabinete si Testing Czar Vince Dizon at hindi umalis sa trabaho.

Ito ang inihayag ng Malacañang kasunod ng ulat na bahagi na umano ng campaign team ng isang presidential candidate si Dizon.

Sinabi ni acting Presidential Spokesman Karlo Nograles na walang katotohanan ang lumabas na balita na iniwan na ni Dizon ang pagiging testing czar.

“There is no truth to the reports circulating that Secretary Vivencio “Vince” Dizon allegedly joined the campaign team of a presidential aspirant,” ani Nograles.

Binigyang-diin ng kalihim na patuloy na nagtatrabaho si Dizon bilang Presidential Adviser for COVID -19 response.

Nakatutok aniya si Dizon sa vaccination rollout ng gobyerno at hindi sa political campaign ni Manila Mayor Isko Moreno.

“Secretary Dizon is focused on the vaccination efforts of the government, and not with any political campaign,” dagdag pa ni Nograles.

Tinawag ng Palasyo ang ulat na fake news na ang layunin ay lituhin ang taong bayan. (Aileen Taliping)

The post Dizon ‘di lumayas sa gabinete – Palasyo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dizon-di-lumayas-sa-gabinete-palasyo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dizon-di-lumayas-sa-gabinete-palasyo)