Walang naging mabigat na epekto ang booster shot na ibinigay sa mga health worker.

Ito ang inihayag sa Laging Handa press briefing ni Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire matapos simulan ang pagtuturok ng booster dose sa mga health worker.

Ayon kay Vergeire, nasa dalawang porsiyento lamang ang nakaranas ng reaksiyon matapos mabigyan ng booster dose subalit hindi ito maikokonsiderang grabe o matinding epekto ng booster shot.

“So far so good, and as to the reactions, mababa lang about two percent experienced pain in vaccination site, meron yung iba masakit ang ulo, may pagtaas ng blood pressure but all of them were managed accordingly at wala namang na-hospitalized at wala po tayong bad outcome,” ani Vergeire.

Batay sa inisyal na report, sinabi ni Vergeire na mababa ang naging reaksiyon ng booster dose sa mga unang nabigyan nito.

“Mababa ang nagiging reaction ng ating health care workers sa booster doses na isinasagawa natin,” dagdag ni Vergeire.

Magtutuloy-tuloy aniya ang pagbibigay ng booster shot hanggang sa maturukan ang lahat ng health workers.

The post DOH: Epekto ng booster shot, hindi grabe first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/doh-epekto-ng-booster-shot-hindi-grabe/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=doh-epekto-ng-booster-shot-hindi-grabe)