Umaasa ang Department of Health (DOH) na sa gitna ng unti-unting pagluwag ng restriction sa Pilipinas ay ‘di ito magagaya sa ilang bansa sa Europa na ngayo’y nakararanas ng muling pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

“Hopefully that will not happen to us. That’s why we’re giving early warnings on what has been happening in other countries so that we won’t reach a similar situation,” saad ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire nitong Lunes.

Sa Europa, ang mga bansang Slovenia, Austria, Czech Republic at Netherlands ay nasa gitna ng muling pagtaas ng mga kaso ng virus.

Paliwanag naman ni Vergeire, ang pagtaas ng mga kaso sa mga naturang bansa ay dulot ng pag-aalis sa minimum health protocol gaya ng pagsusuot ng face mask.

“One of the major difference [with Europe] is that when they relaxed restrictions, they included the removal of minimum public health standards, like wearing of mask and others,” aniya.

“Here in our country, through the months from the start of the pandemic, we have seen how the behavior of our kababayan have improved in terms of wearing of mask, frequent hand washing, physical distancing, etc.,” dugtong pa niya.

Sa huling tala ng ahensya, nasa 18,000 na lamang ang mga aktibong kaso ng virus sa Pilipinas, habang ang Metro Manila na siyang pinakamataong lugar ay nasa gitna ng mas maluwag na Alert Level 2. (mjd)

Jak Roberto isiniwalat kung kailan siya na-inlab kay Barbie Forteza

The post DOH: ‘Pinas ‘di matutulad sa Europa first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/doh-pinas-di-matutulad-sa-europa/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=doh-pinas-di-matutulad-sa-europa)