Mananatiling nakasara ang Dolomite beach sa Manila Bay habang patuloy ang pag-aayos sa kalidad ng tubig at ang iba pang atraksyon dito.

Ayon sa DENR, hindi muna bubuksan ang nasabing pasyalan upang maipatuloy ang pagpapabuti ng kalidad ng tubig, phase 2 ng Dolomite beach project, at konstruksiyon ng solar-powered comfort room.

Matatandaang pinasara ang beach bago ang Undas para maiwasan ang pagdagsa ng mga tao.

Bubuksan lamang ito kapag tapos na ang Manila Bay rehabilitation project bago ang katapusan ng taon. (Sherrylou Nemis)

The post Dolomite beach sarado pa rin sa publiko first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dolomite-beach-sarado-pa-rin-sa-publiko/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dolomite-beach-sarado-pa-rin-sa-publiko)