Sa pagtataas ng allowed capacity sa LRT 1, LRT 2 at MRT 3 ngayong Huwebes, ibinaba ng Department of Transportation (DOTr) ang ‘Seven Commandments’ na dapat sundin sa loob ng tren.
Ang pitong utos ay ang sumusunod:
Laging magsuot ng face mask at face shield
Bawal magsalita o makipag-usap sa telepono
Bawal kumain
Laging panatilihin ang maayos at sapat na bentilasyon
Laging magsagawa ng disinfection
Bawal sumakay kung may sintomas ng COVID-19
Panatilihin ang social distancing
Ngayong Huwebes ay papayagan na ang hanggang 70% kapasidad sa mga nabanggit na linya ng tren.
Ang pagdadagdag ng kapasidad ay kasunod ng mas mataas na demand sa transportasyon bunsod ng pagbaba sa Metro Manila sa Alert Level 3 kung saan mas maraming establisyemento ang magbubukas. (mjd)
https://www.facebook.com/dotrmrt3/posts/187517753554433
The post DOTr may ‘7 utos’ sa pagsakay sa tren first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dotr-may-7-utos-sa-pagsakay-sa-tren/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dotr-may-7-utos-sa-pagsakay-sa-tren)
0 Mga Komento