Kinalampag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga local chief executive na sila ay mananagot kapag hindi tinutukan ang pagtuturok ng COVID-19 vaccine sa lalong madaling panahon.

Inatasan ng Pangulo si Interior Secretary Eduardo Año na bantayan ang mga local government unit (LGU) na hindi ginagampanang mabuti ang trabaho sa pagbibigay ng vaccine.

Binigyang-diin ni Duterte na nais niyang matugunan ang target na isang milyong turok kada araw.

“Noon walang bakuna, ngayon ‘yung bakuna nandiyan na. Medyo hindi ako nakuntento to the sense I have reiterated my instruction to agencies to make sure that local government units will receive their daily jab performance so that our country can reach the target of 1 million jabs or more everyday,” ani Duterte.

Idinagdag pa niya na ang pamahalaan ay nakatuon din sa pagbibigay ng hindi bababa sa 15 milyong dose ng COVID-19 vaccine bago matapos ang Nobyembre. (Sherrylou Nemis)

The post Duterte binalaan mga LGU: Bilisan ang pagbabakuna first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-binalaan-mga-lgu-bilisan-ang-pagbabakuna/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=duterte-binalaan-mga-lgu-bilisan-ang-pagbabakuna)