Hinamon ni House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate si Pangulong Rodrigo Duterte na pangalanan at kasuhan ang sinasabi nitong presidential aspirant na gumagamit ng cocaine.

Kung sapat ang ebidensya, sinabi ni Zarate na dapat itong arestuhin at ikulong o i-rehabilitate.

“Mahirap naman na baka makalusot pa at addict and ‘weak leader’ ang maging presidente ng Pilipinas,” sabi ni Zarate.

Sinuportahan din ni Zarate ang panawagan ng boluntaryong drug test sa mga kandidato sa pagkapangulo at bise presidente para magka-alaman na.

“Kailangan nating salain ng husto ang mga tumatakbong opisyales ng pamahalaan lalo pa ang mga tumatakbong pangulo o pangalawang pangulo,” dagdag pa ng solon.

Iginiit din ni Zarate ang pangangailangan na isapubliko ng isang kandidato ang kanyang yaman at pumirma ng waiver na maaaring magamit ng mga ahensya ng gobyerno para buksan ang kanyang mga bank account at ikumpara ito sa kanyang idedeklara sa ihahaing Statement of Assets, Liabilities and Net Worth kapag nanalo. (Billy Begas)

Jak Roberto isiniwalat kung kailan siya na-inlab kay Barbie Forteza

The post Duterte hinamon ni Zarate: Hulihin, i-rehab presidentiable na adik sa cocaine first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kung-hindi-tsismis-zarate-hamon-kay-duterte-hulihin-i-rehab-cocaine-user-presidentiablea/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kung-hindi-tsismis-zarate-hamon-kay-duterte-hulihin-i-rehab-cocaine-user-presidentiablea)