Hindi na pipila taon-taon ang mga motorista para mag-renew ng kanilang lisensya sa pagmamaneho matapos umpisahan ng Land Transportation Office (LTO) ang pag-iisyu ng bagong driver’s license na may 10 taong validity.

Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang Talk to the People ngayong Miyerkoles na nagsimula nang mag-isyu ang LTO ng mga bagong lisensiya sa kanilang tanggapan sa East Avenue na may 10 taon validity.

Sinabi ng Pangulo na malaking kagaanan ito sa mga motorista dahil hindi na kailangang pumila taon-taon para lamang mag-renew ng lisensya sa pagmamaneho.

“I am pleased to announce that the LTO’s Licensing Offices in the East Avenue has started the issuance of the drivers license with a 10 year validity on October 28,2921.Ang lisensya ng driving is good for ten years, wala ng renewal na madalian. You have ten years to drive, baka hindi mo maubos yang period na yan sa daan. Ten years is a long haul,” anang Pangulo.

Lahat ng mga tanggapan ng LTO sa National Capital Region ay mag-uumpisa na ring mag-isyu ng bagong driver’s license ngayong Nobyembre at susunod na rin sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

“By December 2021, the LTO commits that all its offices nationwide will be issuing licenses with a 10-year validity,” dagdag ng Pangulo. (Aileen Taliping)

The post Duterte ibinida paglarga ng 10-taon lisensya first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-ibinida-paglarga-ng-10-taon-lisensya/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=duterte-ibinida-paglarga-ng-10-taon-lisensya)