Inimbitahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang higit isang daang mambabatas sa Kamara sa isang “informal gathering” nitong Martes ng gabi.

Kinumpirma ni Malacañang spokesperson Karlo Nograles na nagkaroon ng maliit na pagtitipon ang Pangulo kasama ang ilang mambabatas na karamihan ay kaibigan nito.

“It was an informal and relaxed gathering with lawmakers, many of whom are friends of the President dating back to his days as mayor of Davao City,” paliwanag ni Nograles.

“It was, for the President, an opportunity to see friends he had not personally seen since the onset of the pandemic due to the restrictions that had been put in place,” dagdag pa nito.

Sinabi ni Deputy Speaker Mikee Romero ng 1-Pacman party-list na kasama sa pagpupulong, dumalo ang higit-kumulang 100 miyembro ng House of Representatives.

Ayon pa kay Romero, pinasalamatan ng Pangulo ang mga ito sa suportang ibinigay sa kanyang administrasyon.

“In the President’s unscripted speech, he proceeded to thank the 18th Congress for the support it has given his administration. In return, leaders of the House, led by Speaker Lord Allan Velasco, thanked the President for all the programs he has coursed through the various representatives of the House,” ani Romero. (Sherrylou Nemis)

The post Duterte inimbitahan 100 mambabatas sa kaswal na hapunan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-inimbitahan-100-mambabatas-sa-kaswal-na-hapunan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=duterte-inimbitahan-100-mambabatas-sa-kaswal-na-hapunan)