Sinagot ni Pangulong Rodrigo Duterte si presidential candidate at retired general Antonio Parlade sa bintang na kinokontrol umano siya ni Senador Bong Go.

Sa kanyang Talk to the People, sinabi ng Pangulo na walang sinomang kinokontrol ni Go at lalong hindi siya kontrolado ng senador.

Kinuha aniya nito si Go para tumulong dahil siya ang pinuno ng Senate Committee on Health and Demography.

“Kailangan ko si Bong because he is the Chairperson sa Senate Committee on Health and Demography. Health kanya eh so mabuti na lang siya nandito. But he does not control anybody, he does not control me,” anang Pangulo.

Kaya aniya palaging nasa Talk to the People ang Senador dahil may tungkulin siya at hindi sa ano pa man.

“He is here to do his duty na may matanungan tayo kaagad,” dagdag ng Pangulo.

Nauna rito inihayag ni Parlade na hindi siya maaaring makipag-alyansa kay Senador Go dahil kinokontrol umano nito ang mga desisyon ng Presidente na itinanggi naman agad ng senador. (Aileen Taliping)

The post Duterte sinupalpal si Parlade: ‘Hindi ako kinokontrol ni Go’ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-sinupalpal-si-parlade-hindi-ako-kinokontrol-ni-go/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=duterte-sinupalpal-si-parlade-hindi-ako-kinokontrol-ni-go)