Inamin ni Eleazar na hindi sang-ayon ang kaniyang asawa’t anak sa pagtakbo niya bilang senador sa 2022 election.

Sa kaniyang panamayam sa mga mamamahayag, sinabi ni Eleazar na dalawang araw bago siya magretiro bilang PNP chief ay doon niya pa lang napagdesisyunan na tumakbong senador.

“Ito sabihin ko sa inyo, na nag-decide lang ako noon eh two days before my retirement. Actually nakuha ko ang blessing ng aking maybahay, ng aking mga anak, na sa simula pa lang ay ayaw akong ipapalahok dito,” sabi ni Eleazar.

Ipinangako naman ni Eleazar na ipagpapatuloy niya ang kaniyang nasimulan sa pagseserbisyo bilang PNP chief.

“Ang aking ipapangako sa inyo, ang akin pong reputasyon. Ang aking commitment and dedication which I’ve shown for the past six months being the chief of Philippine National Police, and the more than 3 decades in the service in the Pilipino people,” saad pa nito.

Opisyal na ngang hinain ng retiradong PNP chief ang kaniyang COC sa pagka-senador nitong Lunes, Nobyembre 15, ang huling araw na itinakda ng Commission on Elections (Comelec) para sa pagpapalit ng mga kandidato ng isang political party o kowalisyon. (Sherrylou Nemis)

The post Eleazar ayaw patakbuhin sa senado ng pamilya first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/eleazar-ayaw-patakbuhin-sa-senado-ng-pamilya/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=eleazar-ayaw-patakbuhin-sa-senado-ng-pamilya)