Umatras sa pagtakbong senador nitong Sabado ang kandidato ng Lakas-CMD na si dating Labor chief Marianito Roque.

Ayon sa ulat, inilagay ni Roque sa certificate of withdrawal na substitute niya o kapalit ang kasalukuyang Department of Labor and Employment boss na si Silvestre Bello III.

Sinabi ni Roque na personal na desisyon niya ang withdrawal dahil sa nakitang magiging hirap sa pangangampanya dulot ng pandemya at kakulangan sa pondo.

Sa ngayon ay wala pa umanong desisyon si Bello kung tatanggapin ito.

Matatandaang ang deadline sa withdrawal at substitution para sa mga national at local election aspirant ay sa Nobyembre 15, 2021.

The post Ex-DOLE chief umatras sa senatorial race, Bello ipinalit first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ex-dole-chief-umatras-sa-senatorial-race-bello-ipinalit/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ex-dole-chief-umatras-sa-senatorial-race-bello-ipinalit)