Naghain ng kaniyang Certificate of Candidacy ang retiradong Philippine National Police chief na si Guillermo Eleazar nitong Lunes, Nobyembre 15

Dumating sa tanggapan ng Comelec ang bagong retiradong PNP chief na si Eleazar para maghain ng kaniya COC para sa pagka-senador kapalit ni PWD advocate Paolo Capino sa ilalim ng Partido sa Demokratikong Reporma.

Noong Nobyembre 13, nagretiro si Eleazar sa serbisyo bilang PNP chief. At pumalit sa kaniyang pwesto si Lt. Gen. Dionardo Carlos.

Matapos umalis sa serbisyo, ang dating heneral ay ipinakilala bilang senatorial candidate ng PRD sa Pampanga nitong Linggo. (Sherrylou Nemis)

The post Ex-PNP chief Eleazar, tatakbo sa senado first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ex-pnp-chief-eleazar-tatakbo-sa-senado/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ex-pnp-chief-eleazar-tatakbo-sa-senado)