Hindi pa rin umano matukoy ng mga boss ng Pharmally Pharmaceutical Corp. na sina Mohit Dargani at Linconn Ong kung saan nakatago ang mga talaang pampinansyal ng kompanya, ayon kay Senate Sergeant-at-Arms Rene Samonte.

Sa kanyang text message sa Inquirer ngayong Sabado, sinabi ni Samonte na iba-ibang mga lugar ang sinasabi ni Dargani tungkol sa kinalalagyan ng mga financial record.

“He said it’s in the warehouse, then changed to the residence, then office naman, but he cannot say which areas, or what addresses,” saad ni Samonte.

“At sabi namin eh pwede puntahan lahat pero hindi niya masabi alin ang uunahin. So, hindi pa makaalis as of 12 noon today,” dugtong pa nito.

“We are ready to escort him but he cannot say where.”

Sina Dargani at Ong ay nadididiin sa imbestigasyon ng Senado kaugnay sa mga iregularidad sa transaksyon ng gobyerno sa Pharmally para makakuha ng medical supply noong nakaraang taon.

The post Financial record ng Pharmally ‘di masabi ni Dargani kung nasaan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/financial-record-ng-pharmally-di-masabi-ni-dargani-kung-nasaan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=financial-record-ng-pharmally-di-masabi-ni-dargani-kung-nasaan)