Kinondena ng isang dating kongresista ang five-star na ibinigay ng UNICEF sa remote learning readiness ng bansa.

Ayon kay dating 1-Ang Edukasyon party-list Rep. Bong Belaro, ang rating ay isang “ridiculous joke” na mistulang pagyurak umano sa paghihirap na nararanasan ng mga estudyante at ng kanilang pamilya dahil sa pagkukulang ng Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED).

Naniniwala si Belaro na ang tinignan lamang ng UNICEF sa pagbibigay ng rating ay kung ano ang sinabi at ipinakitang magandang larawan ng mga ahensya ng gobyerno at hindi ang tunay na kalagayan ng mga estudyante, guro at mga magulang.

“UNICEF, please throw away the colored eyeglasses you used to peruse through the crafted reports and Powerpoint presentations DepEd and CHED sent your way,” sabi ni Belaro sa isang pahayag.

Ang dapat umanong gawin ng UNICEF ay pakinggan ang hinaing ng mga estudyante na hirap na hirap na makapag-aral.

Ipinunto ni Belaro na dapat magduda ang UNICEF sa mga matatanggap nitong ulat na puro magaganda ang sinasabi. (Billy Begas)

The post Five-star rating ng UNICEF sa Pinas ‘ridiculous joke’ – ex-solon first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/five-star-rating-ng-unicef-sa-pinas-ridiculous-joke-ex-solon/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=five-star-rating-ng-unicef-sa-pinas-ridiculous-joke-ex-solon)