Ipinagbawal ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang pagpasok sa Pilipinas ng mga biyahero na mula sa Faroe Islands at Netherlands.

Ito ay matapos ilagay sa listahan ng mga “red” country ang dalawang nasabing bansa.

Epektibo ang ban mula Nov. 16 hanggang Nov. 30.

Samantala, isinama naman sa listahan ng mga “green” country ang Saudi Arabia at United Arab Emirates.

Hindi na kailangang mag-quarantine ang mga fully vaccinated traveler basta makapagpakita ng negatibong resulta ng COVID-19 test.

The post Galing sa Faroe Islands, Netherlands bawal sa ‘Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/galing-sa-faroe-islands-netherlands-bawal-sa-pinas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=galing-sa-faroe-islands-netherlands-bawal-sa-pinas)