Pinarangalan bilang Best Historic Hotel in Asia and the Pacific ng 2021 Historic Hotels Worldwide ang Las Casas Filipinas de Acuzar sa Bagac, Bataan.

Ang Historic Hotels Worldwide ang naggagawad ng parangal kada taon sa mga hotel mula sa iba’t-ibang panig ng mundo na nagpapakita ng kasaysayan ng isang lugar.

Para sa kasalukuyang taon, kinilala ang ganda ng Las Casas Filipinas de Acuzar, na siyang tahanan ng 63 heritage house at 34 istruktura na hinango sa unang panahon sa Pilipinas.

May laki ang Las Casas na 400 ektarya.

Masaya naman ang may-ari ng Las Casas na si Jose Acuzar sa naturang pagkilalang natanggap ng hotel.

“We are delighted that the efforts of our artisans, carpenters, and the people who supported us are now recognized, especially their skills,” aniya.

“I built this for my love of my hometown Bataan, my love for the Philippines, and especially my family whom I have shared so many beautiful memories with in Las Casas Filipinas,” dugtong pa niya. (mjd)

The post Ganda ng Las Casas sa Bataan kinilala first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ganda-ng-las-casas-sa-bataan-kinilala/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ganda-ng-las-casas-sa-bataan-kinilala)