Bilang patunay umano na lalabanan niya ang iligal na droga kapag nahalal na pangulo, sumalang si Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa cocaine test nitong Lunes.

Sa kanyang statement ngayong Martes, nilinaw ng presidential aspirant na isinumite niya sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police, at National Bureau of Investigation ang resulta ng kanyang cocaine test.

Nilinaw din ni Marcos na siya ay magbabantay at kakampanya laban sa iligal na droga.

“Let me reiterate my assurance to my fellowmen, especially to the supporters of BBM-Sara Uniteam, that I am, and will remain, a vigilant anti-illegal drugs campaigner,” dugtong pa ng dating senador.

Hinamon din niya ang iba pang mga kandidato na magpa-drug test.

“I’m calling again all elective aspirants to take the drug test to ensure our people, particularly the young generation, that no elected leader is into illegal substances,” aniya.

Ang pagsasailalim ni Marcos sa cocaine test ay kaugnay ng blind item ni Pangulong Rodrigo Duterte na may isang presidential aspirant ang gumagamit nito. (mjd)

““`ZW3212WQJulia Barretto naghubad sa Mexico?

The post Hinamon pa mga kalaban! Marcos Jr. sumalang sa drug test first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/hinamon-pa-mga-kalaban-marcos-jr-sumalang-sa-drug-test/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=hinamon-pa-mga-kalaban-marcos-jr-sumalang-sa-drug-test)