May go signal na si Pangulong Rodrigo Duterte para alisin ang paggamit ng face shield laban sa COVID-19.
Sa kanyang Talk to the People, sinabi ng Pangulo na maaaring hindi na gumamit ng face shield, subalit kailangang manatili ang paggamit ng face mask.
Magiging bahagi na aniya ng araw-araw na buhay ng mga Pilipino ang paggamit ng face mask hanggat nananatili ang banta ng COVID -19 sa bansa.
“Ang decision ko is okay tanggalin na ninyo yung face shield. You dispense with the shield but not the mask. Iyong mask will forever remain and it will be a part of our day-to-day part of what? Safety measure kasi matagal pa itong virus na nasa hangin lang,” anang Pangulo.
Batay sa inilabas na memorandum ng Malacañang, hindi na obligado ang mamamayan na magsuot ng face shield sa mga lugar na nasa Alert Level 1,2, at 3.
Ipinapaubaya naman sa Local Government Units at mga may-ari ng establisimento ang pagpapasya sa paggamit ng face shield sa mga lugar na nasa Alert Level 4; habang ipaiiral ang paggamit ng face shield sa mga lugar na nasa Alert Level 5 at sa mga lugar na mayroong granular lockdown. (Aileen Taliping)
The post Hubad face shield OK, ‘wag lang face mask – Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/hubad-face-shield-ok-wag-lang-face-mask-duterte/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=hubad-face-shield-ok-wag-lang-face-mask-duterte)
0 Mga Komento