Pinagbigyan ng International Criminal Court (ICC) ang hiling ng gobyerno na ipagpaliban ang imbestigasyon sa diumano’y crimes against humanity kaugnay sa war on drugs ng Duterte administration.

Ipinaalam na ng Office of the Prosecutor sa Pre-trial Chamber ang suspensiyon ng imbestigasyon nito, na magpapatuloy sa mga darating na araw habang sinusuri ang “scope and effect” ng hiling na ipagpaliban ang pagsisiyasat.

“The Prosecution will, in the coming days, request additional information from the Philippines under Rule 53 of the Rules of Procedure and Evidence. Such additional information is necessary for the Prosecution to assess the scope and effect of the Deferral Request, and to determine whether to apply to the Pre-Trial Chamber, under Article 18(2) of the Statute, for authorization to continue investigating,” saad sa report ni ICC Prosecutor Karim Khan.

“The Prosecution has temporarily suspended its investigative activities while it assesses the scope and effect of the deferral request,” patuloy ni Khan.

Nauna rito, pormal na hiniling ng embahada ng Pilipinas sa The Hague, Netherlands na ipagpaliban ang pagsisiyasat upang bigyang-daan ang domestic efforts na imbestigahan ang mga krimeng ito.

Ito ay matapos balewalain ng administrasyon ang mga panawagang sagutin ang mga alegasyon ng state-sponsored killings kaugnay ng pagpapatupad ng drug war ni Pangulong Rodrigo Duterte.

The post ICC pumreno sa imbestigasyon sa war on drugs first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/icc-pumreno-sa-imbestigasyon-sa-war-on-drugs/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=icc-pumreno-sa-imbestigasyon-sa-war-on-drugs)