Pinagana ngayong Huwebes ang multi-role response vessel (MMRV) na binili ng Pilipinas mula sa Japan.

Ang MMRV ay may habang 97 metro at inilarga sa Shimonoseki Shipyard ng Mitsubishi Shipbuilding Co. Ltd. sa Japan.

Ang naturang barko ay ang pangalawa sa dalawang MMRV na binili ng Department of Transportation (DOTr) sa ilalim ng Maritime Safety Capability Improvement Project Phase II.

Samantala, ang unang MMRV ay pinagana naman noong Hulyo 26.

Ang dalawang MMRV ay may maximum speed na hindi bababa sa 24 knots at endurance na hindi bababa sa 4,000 nautical miles.

Hinihintay na lamang ng Philippine Coast Guard (PCG) na madala ang dalawang MMRV sa Pilipinas upang magamit sa pagpoprotekta ng teritoryo at karagatan ng bansa.

“These MRRVs modeled after the Japan Coast Guard (JCG) Kunigami-class vessels are expected to improve the PCG’s maritime security and maritime safety capabilities,” wika ng PCG. (mjd)

The post Ikalawang modernong barko ng Pinas inilarga sa Japan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ikalawang-modernong-barko-ng-pinas-inilarga-sa-japan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ikalawang-modernong-barko-ng-pinas-inilarga-sa-japan)