May mga alagad ng simbahan gaya ng mga madre at pari na mga komunista.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagdalo sa aktibidad ng National Task Force End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa Orintal Mindoro noong Huwebes ng hapon.

Sinabi ng Pangulo na nagpapanggap na human rights advocate ang mga ito pero ang katotohanan aniya ay puro maka-kaliwa ang mga ito.

Mismong ang napatay na top NPA Commander na si Ka Oris aniya ay dating pari pero pumapatay ng mga inosenteng sibilyan .

“Ang mag-ano ng human rights puro left rin talaga sila eh. Walang human rights na democratic. They are all communists kaya nandiyan yan sila. Pati yang mga madre pati pari yung nandiyan. Eh kasi si Oris is pari,” anang Pangulo.

Maging ang dating Cabinet Secretary na si Leoncio Evasco ayon sa Pangulo ay dating political prisoner na pinalaya ni dating Pangulong Corazon Aquino dahil sa kasong rebelyon.

Muling binanatan ni Pangulong Duterte ang Human Rights na aniya ay pabor lamang sa mga napapatay na mga komunista pero kapag mga sundalo at pulis ang mga pinapatay ng mga komunista at tahimik lang ang mga ito.

“Itong mga human rights, kung magsalita at mag-ano… may namatay sa kanila gaya ni Oris eh gusto pa ng mga buang na i-autopsy kung saan ang tama, if they are at the losing end,” dagdag ng Pangulo.

Kapag aniya ang gobyerno ang nakapuntos laban sa mga komunista, ang tingin sa puwersa ng militar at pulisya ay killing machine. (Aileen Taliping)
““`ZW3212WQJulia Barretto naghubad sa Mexico?

The post Ilang madre at pari mga komunista – Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ilang-madre-at-pari-mga-komunista-duterte/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ilang-madre-at-pari-mga-komunista-duterte)