Nagulantang ang isang civic organization sa Sta. Teresita, Cagayan kamakailan matapos sumulpot sa kanilang pamamahagi ng relief goods ang ilang pulis at nagdala ng tarpaulin na may nakalagay na ‘Duterte Legacy’ at kumuha pa ng ilang litrato.

Ayon sa ulat, ang grupong Oplan Bangon Cagayan ay nagsasagawa ng relief operation noong Oktubre 31 sa Barangay Mission sa nasabing bayan nang biglang dumating ang mga pulis.

“While we were having our relief goods distribution, we were surprised that a (patrol car) came and police officers put up a tarpaulin with ‘Duterte Legacy’ on it,” pahayag ng pinuno ng grupo na si Zach Xavier Singson.

Bukod sa dalang tarpaulin na may nakalagay na ‘Duterte Legacy,’ lumapit pa sa mga kasamahan ni Singson ang isa sa mga pulis at tinanong kung pwede ba silang kuhanan ng litrato habang nagaabot ng relief goods at nasa background ang tarpaulin.

Tumanggi pa umano sila Singson ngunit nagpumilit ang mga pulis.

At nang makakuha umano ng litrato ang mga ito ay umalis na agad.

Depensa naman ng hepe ng Sta. Teresita Police, nagpunta lamang doon ang ilang parak para siguraduhin na sumusunod sa health protocol ang naturang gawain.

Ayon pa sa hepe, parte na ng kanilang pagtulong sa mga aktibidad ang pagdadala ng naturang tarpaulin.

Wala pa namang komento si PNP chief Gen. Guillermo Eleazar sa pangyayari. (mjd)

The post Ilang parak umepal sa relief operation; ‘Duterte Legacy’ tarp pinarada first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ilang-parak-umepal-sa-relief-operation-duterte-legacy-tarp-pinarada/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ilang-parak-umepal-sa-relief-operation-duterte-legacy-tarp-pinarada)