Na-rescue mula sa isang bodega sa Navotas City ang mga umano’y underpaid at minamaltratong trabahador kabilang ang dalawang menor de edad.

Nagsagawa ng joint operation ang mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group – National Capital Region (CIDG-NCR), Department of Labor and Employment (DOLE), at Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ni-raid ang warehouse.

Umaksyon ang mga awtoridad matapos magreklamo ng mga trabahador na nakatakas sa nasabing warehouse, ayon sa ulat sa 24 Oras.

Imbakan ng second-hand na damit ang bodega, pinapabuhat umano ang mga mabibigat na damit sa loob ng 12 hanggang 14 na oras sa isang araw at kulang din ang sahod nila.

Ayon sa isang trabahador, kinukulong din sila sa loob ng bodega.

Naligtas din ang dalawang menor de edad na nagtatrabaho sa warehouse.

Inaresto naman ng mga pulis ang kanilang amo na tatlong Chinese national at isang katiwala.

Itinanggi ng mga ito ang paratang na pagmamaltrato at pagpapasweldo ng mababa sa kanilang manggagawa.

Hindi rin daw nila umano alam ang tungkol sa mga menor de edad na nagtatrabaho sa kanila.

Sasampahan naman ng kaso sa paglabag sa Republic Act 9208 o ang Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 ang tatlong employer.(sherrylou nemis)

““`ZW3212WQJulia Barretto naghubad sa Mexico?

The post Ilang trabahador kinukulong, minamaltrato na-rescue sa warehouse sa Navotas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ilang-trabahador-kinukulong-minamaltrato-na-rescue-sa-warehouse-sa-navotas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ilang-trabahador-kinukulong-minamaltrato-na-rescue-sa-warehouse-sa-navotas)