Isang maswerteng mananaya ang nakakuha ng P8.4 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 nitong Sabado, Nobyembre 13.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nahulaan ng bettor, sa Calamba City, Laguna, ang winning combination na 09 – 25 – 35 – 21 – 15 – 37.

Samantala, wala pa ring nakakakuha ng P115,304,430 milyon na jackpot prize ng Grand Lotto 6/55.

Sinabi ng PCSO, dahil wala pang nanalo, tinatayang aabot sa P120 milyon ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa susunod nitong draw. (Sherrylou Nemis)

The post Isang mananaya, nasolo ang P8.4M jackpot prize sa lotto 6/42 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/isang-mananaya-nasolo-ang-p8-4m-jackpot-prize-sa-lotto-6-42/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=isang-mananaya-nasolo-ang-p8-4m-jackpot-prize-sa-lotto-6-42)