Isiniwalat ni Jennylyn Mercado na dinugo siya sa shooting ng “Love, Die, Repeat”.

“Sa bigat ng mga eksena ko, napaka-emotional, tapos ‘yung physical requirements na kailangan ng mga eksena. Hindi ko ine-expect na magbi-bleed ako,” kuwento ni Jennylyn sa kanyang YouTube account.

Dahil dito, nagdesisyon ang fiance niyang si Dennis Trillo na patigilin sa trabaho si Jennylyn.

“Nag-alala kami nung natanggap namin ‘yung text ng OB niya. Dun kami nagdesisyon na pauwiin na si Jen. Tigil na muna ‘yung trabaho para makauwi na siya sa bahay at maalagaan siya dun,” sambit ng aktor.

Matatandaang nahinto ang taping ng series na pagsasamahan nina Jennylyn at Xian Lim dahil sa medical emergency ng aktres.

Kalaunan inamin na nina Jennylyn at Dennis na nagdadalantao ang una at nakatakda silang magpakasal.

Nagpasalamat si Jen sa GMA dahil siya pa rin ang bibida sa nasabing serye matapos niyang manganak sa 2022.

The post Jennylyn dinugo sa shooting first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/jennylyn-dinugo-sa-shooting/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=jennylyn-dinugo-sa-shooting)