Bukod kay Broadway star Lea Salonga, siyam pang personalidad ang kasama sa “Living Legends: World-Renowned Series” stamp collection ng Philippine Postal Corporation o PHLPost.

Inilabas ngayong Sabado ng PHLPost ang bago nilang stamp collection na kumikilala sa sampung Filipino legend na nag-ambag sa pagbuo ng bansa, kabilang ang Jollibee mascot at world-class na mga atleta.

Ito ay sina Efren “Bata” Reyes, Eugene Torre, Paeng Nepomuceno, Jordan Clarkson, Dado Banatao, Monique Lhuillier, Josie Natori, Lea Salonga, Kenneth Cobonpue at ang mascot ng Jollibee.

“Lubos ang ating pagsalamat at pagpupugay na ito ay maliit lamang na paraan upang suklian ang karangalan na dinala nila sa atin,” pahayag ni PHLPost Postmaster General at CEO Norman Fulgencio sa ginawang paglulunsad sa Manila Central Post Office.

The post Jollibee, Bata Reyes, Clarkson bida sa stamp first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/jollibee-bata-reyes-clarkson-bida-sa-stamp/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=jollibee-bata-reyes-clarkson-bida-sa-stamp)