Hinirang ng Malacañang si Jose Midas P. Marquez bilang bagong Associate Justice ng Korte Suprema.

Ito ang kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea .

Pinalitan ni Marquez si Associate Justice Edgardo L. Delos Santos na nagretiro na sa serbisyo noong buwan ng Hunyo.

Nagtapos ng abogasya si Marquez sa Ateneo de Manila University at naging miyembro ng Philippine Bar noong 1994, bukod sa economics degree at doctorate degree nito.

Si Marquez ay nagsilbing spokesman ng Supreme Court sa ilalim ng pamamahala ni dating Chief Justice Renato Corona.

Kasalukuyang head ng Office of the Court Administrator si Marquez. (Aileen Taliping)

The post Jose Midas Marquez bagong SC Associate Justice first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/jose-midas-marquez-bagong-sc-associate-justice/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=jose-midas-marquez-bagong-sc-associate-justice)