Laking pasasalamat ni Joshua Garcia sa kanyang mga matatalik na kaibigan at sa isport na golf na siyang tumulong sa kanya na malusutan ang pinagdaanang stress.

Ayon sa ulat ng Inside News ng Star Magic noong Lunes, pinagmamalaki ni Joshua na adik na siya sa golf.

“Naimpluwensiyahan ako ni Marco Gumabao at ni Patrick Sugui, ‘yung dalawang ‘yon. Kaming dalawa ni Daniel [Padilla] ‘yung naimpluwensiyahan. Sobra ko siyang na-enjoy, sobra ko siyang minahal na ngayon, sobrang na-addict kami ni DJ,” pahayag ng aktor.

Kasama rin si Daniel at Patrick sa mga taong nakatulong sa kanya na makaya ang pinagdaanang kalungkutan. Ang ilan pang mga taong naasahan ni Joshua sa kanyang sitwasyon ay sina Kathryn Bernardo, Sofia Andres, Daniel Miranda, Ria Atayde at Aeriel Garcia.

“Sobrang saya ng experience na ‘yon. May time na naligo kaming lahat sa ilog na umuulan. We’re just laughing, ang saya lang. Isa ‘yon sa core memories na na-treasure ko rin talaga. Sabi ni DJ wala talaga tayong karapatang magreklamo,” kwento ni Joshua.

Ibinahagi rin ni Joshua kung gaano siya ka-close kay Daniel.

“After nung ‘PBB,’ tuloy-tuloy ‘yon hanggang sa mag-‘Barcelona.’ Sa ‘Barcelona’ naging mas close na kami noon. Siyempre nagkasama na kami sa project at si Kathryn na kasama ko na rin,” aniya.

Sa ngayon, si Joshua ay naghahanda sa bagong proyekto – ang serye na pinamagatang ‘Viral Scandal.’ (mjd)

The post Joshua Garcia sinalba ng bagong hilig, tropa first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/joshua-garcia-sinalba-ng-bagong-hilig-tropa/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=joshua-garcia-sinalba-ng-bagong-hilig-tropa)