Hinamon ni Labor leader at presidential aspirant Ka Leody de Guzman si Pangulong Rodrigo Duterte na imbestigahan ang umano’y cocaine user na presidential aspirant.

Sa halip daw na i-tsismis ito ng Presidente ay dapat daw magsagawa na ito ng imbestigasyon.

“Kaysa i-tsismis lang, ipahuli na ang kandidatong yan para ipa-rehab,” ani Ka Leody.

Aniya, tiyak daw na kilala ni Duterte ang supplier ng kandidatong cocaine user.

“Tiyak kilalang-kilala ni Duterte kung sino ang supplier ng kandidatong yan na nagpapasok ng cocaine sa bansa. Yan dapat ang pokusan para mahuli at matigil na,” saad nito.

Dagdag pa nito habang hindi pinangalanan ang tinutukoy ng Pangulo, marami na raw nanakaw, pinapatay, at kasalanan ang kandidatong ito.

“Sa dami ng kasalanan, ninakaw at pinatay ng pamilya niyan, malulong talaga sa droga yan para takasan ang katotohanan,” giit niya.

Sa pahayag ni Duterte nitong Huwebes, sinabi nito na ang isang presidential aspirant ay gumagamit ng ilegal na droga at ang sinasabi niya ay mula sa isang mayamang pamilya. (Sherrylou Nemis)
‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!

The post Ka Leody hamon kay Duterte: Adik na presidential aspirant imbestigahan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ka-leody-hamon-kay-duterte-adik-na-presidential-aspirant-imbestigahan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ka-leody-hamon-kay-duterte-adik-na-presidential-aspirant-imbestigahan)