Hindi na mapagbibigyan ang hiling ng mga kasamahan ng napatay na New Peoples Army (NPA) official na si Jorge ‘Ka Oris’ Madlos na autopsy matapos umanong magpositibo ang katawan nito sa COVID at ipina-cremate agad.

Ayon kay Maj. Gen Romeo Brawner Jr. ng 4th Infantry Division, bukod kay Ka Oris ay nagpositibo rin sa COVID ang kasamahan niyang si Eighfel ‘Pika’ dela Peña, kaya naman alinsunod sa mga protocol ay kailangang i-cremate agad ang kanilang mga katawan.

“The remains of Madlos and Dela Peña were cremated based on the decision of the IATF (Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases) and in accordance with the existing COVID-19 protocols,” pahayag ni Brawner.

Sina Ka Oris at dela Peña ay napatay sa engkwentro noong Oktubre 29.

Gayunman, humiling ang mga kaanak ni Ka Oris ng autopsy dahil malabo umanong nagkaroon ng engkwentro dahil walang armas si Ka Oris maging si dela Peña noong araw na sila ay mapaslang. Ambush ang hinala ng mga kasamahan nina Ka Oris.

Samantala, ang mga abo nina Ka Oris ay ipinadala na sa lokal na pamahalaan ng Impasugong, Bukidnon nitong Martes.

“They are the responsible agencies for the proper disposition of the remains in accordance with the COVID-19 protocols and guidelines. Other forthcoming actions depend on the decision of the [local government],” dugtong pa ni Brawner. (mjd)

The post Ka Oris positibo sa COVID, deretso cremate first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ka-oris-positibo-sa-covid-deretso-cremate-2/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ka-oris-positibo-sa-covid-deretso-cremate-2)