Ayaw iasa ng mga kasamahan ng napatay na New People’s’ Army (NPA) senior leader na si Jorge ‘Ka Oris’ Madlos sa pamahalaan ang autopsy sa kanyang bangkay dahil sa ilan nilang pagdududa sa tunay na ikinamatay nito.

Matatandaang iniulat ng militar na napatay si Ka Oris kasama ang medical aide nito matapos ang 30 minuto bakbakan sa Bukidnon noong Sabado.

Ngunit ayon sa asawa ni Ka Oris na si Myrna Sularte, na isa ring NPA commander, walang armas na dala si Ka Oris at medical checkup ang pupuntahan nito.

Kaya hinala niya, sa ambush at hindi sa engkwentro nasawi si Ka Oris, na 72-anyos na.

Bukod sa autopsy ng isang independent pathologist, isa pang hiling ng mga kabaro ni Ka Oris ang mabigay sa kanila ang bangkay nito dahil nais umano nitong mailibing sa Siargao kung saan siya lumaki. (mjd)

The post Kasamahan ni Ka Oris duda sa nangyaring engkwentro first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kasamahan-ni-ka-oris-duda-sa-nangyaring-engkwentro/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kasamahan-ni-ka-oris-duda-sa-nangyaring-engkwentro)