Nagprotesta ang mga manggagawa ng Robinsons Handyman nitong Nobyembre 26 ng umaga, matapos magkaroon ng mass termination sa mga bumubuo ng unyon sa loob ng kumpanya.

Ibinahagi ni Pangulo ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino Luke Espiritu sa kaniyang twitter account ang mga larawan ng mga manggagawang nagwewelga sa Lopez Jaena street sa Marikina.

Dagdag pa riyan, hinikayat ni Espiritu ang iba na makilahok at suportahan ang mga trabahador ng Handyman.

Ang unyon ay binubuo ng mga kontraktwal na manggagawa, na marami sa kanila ay nagtrabaho sa Handyman nang higit sa isang dekada.

Nagsampa naman sa National Labor Relations Commission (NLRC) ang unyon para sa kasong regularisasyon. (Sherrylou Nemis)

The post Kontraktwalisasyon wakasan! Manggagawa ng Robinsons Handyman nagwelga first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kontraktwalisasyon-wakasan-manggagawa-ng-robinsons-handyman-nagwelga/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kontraktwalisasyon-wakasan-manggagawa-ng-robinsons-handyman-nagwelga)